Isabela (lalawigan)
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Isabela
Rehiyon: Lambak ng Cagayan (Rehiyon II)
Kabisera: Ilagan
Pagkatatag: Mayo 1, 1856
Populasyon:
Sensus ng 2000—1,287,575 (ika-17 pinakamalaki)
Densidad—121 bawat km² (ika-18 pinakamababa)
Sensus ng 2000—1,287,575 (ika-17 pinakamalaki)
Densidad—121 bawat km² (ika-18 pinakamababa)
Lawak: 10,664.6 km² (ika-2 pinakamalaki)
Gobernador: Ma. Gracia Padaca
Ang Isabela ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan. Ilagan ang kapital nito at napapaligiran ng Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, at Cagayan. Isang lalawigang agrikultural ang Isabela at ang ikalawang pinakamalaki sa Pilipinas, at ang pinakamalaki sa pulo ng Luzon.