Katibayan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang katibayan (Ingles: diploma mula sa salitang Griyego δίπλωµα diploma) ay isang sertipiko na inilalathala ng isang edukasyonal na institusyon, gaya ng unibersidad, na nagpapatunay na nakatapos ang isang tao ng isang kurso, o pinagkalooban siya ng antas ng akademya.
Sa ilang mga bansa, tulad ng Nagkakaisang Kaharian at Australya, ang dokumentong ito ay tinatawag na testimonium o testamur, Latin ng "sumasaksi kami" o "patunayan" (testari), at tinatawag mula sa salita kung saan nagsisimula ang sertipiko.
Sa Ireland, tinatawag itong parchment.