Lungsod Juárez
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Lungsod Juárez (o simpleng Juárez) ang pinakamalaki at pinakamataong lungsod sa estadong Mehikano ng Chihuahua at ang kabisera ng Munisipyo ng Juárez. Katapat nito sa kabilang pampang ng Ilog Bravo ang El Paso sa Mga Nagkakaisang Estado, at magkasamang binubuo ng dalawang lungsod na ito ang pinakamalaking kalakhan sa hangganang US-Mehiko.
Ipinangalan ang lungsod kay Benito Juárez, dating pangulo ng Mehiko.