Mariah Carey
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mariah Carey (pinanganak noong Marso 27, 1970) ay isang American pop at R&B na mang-aawit, kompositor, produser ng album, direktor ng music video at isang aktres. Nagsimula siya ng karera noong 1990 sa ilalim at pangangalaga ng Columbia Records na pinangungunahan ni Tommy Mottola na kanyang napangasawa. Kasunod ng kanyang pakikipagtipan kay Mottolo noong 1993 ay ang sunod-sunod nitong mga awit na naging sikat at naglagay sa kanya sa pedestal ng Columbia bilang pinakamataas at mabentang pagganap. Ayon sa babasahing Billboard magazine, siya ang pinakamatagumpay na mang-aawit noong dekada nobenta sa buong Estados unidos.
Ang boses niya ay sinasabing nakaaabot sa nota mula sa alto range hanggang sa coloratua soprano. Nakilala siya dahil sa kanyang kakayahang gumamit ng whistle register. Sinabi niyang si Minnie Riperton ang malaking impluwensya sa kanyang istilo sa pagawit, at sa napakabatang edad ay sinusubukan n'yang gayahin ang mga high notes ni Riperton. 'Di naglaon ay lumawak ang kanyang vocal range. Ayon sa mga source, s'ya ay may five-octave vocal range. Mayroon din namang nasasabi na mas mataas pa.