Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Web Analytics
Cookie Policy Terms and Conditions Michael Charleston Chua - Wikipedia

Michael Charleston Chua

Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Si G. Michael Charleston B. Chua ay kasalukuyang instruktor at mag-aaral ng masterado sa Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, kung saan din siya nagtapos ng kanyang BA sa Kasaysayan (2005). Kasapi siya, kapwa, ng Philippine National Historical Society (PNHS) at ng Asosasyon ng mga Dalubhasa, May Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA) ng Pilipinas, Inc. Nakapagsalita na tungkol sa iba’t ibang paksa sa iba’t ibang dako at nakapanayam na rin ng ilang beses sa lokal at pambansang telebisyon.

Naging punong patnugot ng mga pahayagan ng kanyang mga naging paaralan—Tarlac First Baptist Church School (1997) at St. Matthew Christian Academy (Valedictorian, 2001). Nagwagi ng ikatlong gantimpala, dibisyong pangmataas na paaralan sa The First Ramon Magsaysay Essay Writing Contest noong 1998.

Sa UP Diliman, tatlong beses siyang naging College Scholar at naging University Scholar noong unang semestre ng taong 2003-2004, sa biyaya ng Panginoon. Dalawang beses nagwagi sa Paper Presentation Series ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) para sa Kasaysayan. Dating kasapi at opisyal ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) at naging kabilang sa mga konsehong pandormitoryo ng Kalayaan Residence Hall (corridor representative) at Yakal Residence Hall (academic affairs committee head). Patangka-tangkang sumusulat ng mga kwento at tula simula bata pa lamang, at paminsan-minsa’y umaarte sa mga malayang pelikula, pangarap ni Xiao ang mapabilang sa kasaysayan, o kung hindi man ay makapagsulat at makapagsaliksik tungkol dito. Ilan sa kanyang mga interes sa pananaliksik ay yaong ukol sa Himagsikan at Kontemporanyong Kasaysayan ng Pilipinas, lalung-lalo na ang tungkol sa mga taon ng Pang. Ferdinand E. Marcos.

(Mr. Michael Charleston B. Chua is currently an instructor and a graduate student of the Department of History, University of the Philippines at Diliman, where he also finished his BA in History (2005). He is a member both of the Philippine National Historical Society (PNHS) and the Asosasyon ng mga Dalubhasa, May Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA) ng Pilipinas, Inc. Had lectured on different topics in different places and had been interviewed a number of times for local and national television.

(Xiao was the editor-in-chief of the news papers of the schools where he studied—Tarlac First Baptist Church School (1997) and St. Matthew Christian Academy (Valedictorian, 2001). Placed third in the high school division at The First Ramon Magsaysay Essay Writing Contest in 1998.

(In UP Diliman, aside from being a three-time College Scholar, he became a University Scholar in the first semester of 2003-2004, by the grace of God. Winner of the Paper Presentation Series of the College of Social Science and Philosophy (CSSP) for History for two consecutive years. Former member and officer of the UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) and was elected to be a member of both the Kalayaan Residence Hall (corridor representative) and Yakal Residence Hall (academic affairs committee head) House Councils. Constantly attempting to write stories and poems since childhood, and sometimes acting in independent films, it is Xiao’s dream to be part of history, or at least write about it. His research interests are on the Philippine Revolution and Contemporary Philippine History, especially during the years of Pres. Ferdinand E. Marcos, among others.)

Mula sa kanyang maikling talambuhay:

[baguhin] SA PUSOD NG KASAYSAYAN (A Brief "History" of Xiao)

“Nothing's really exciting in my life, except perhaps, my attempting to be in touch with HISTORY...”

Ang pusod, minsan sa buhay ng bawat isang tao, ay naging mahalagang daluyan ng buhay para sa atin. Ito ang nagdurugtong sa atin sa ating ina noong tayo ay nasa sinapupunan pa lamang. Ayon kay Prop. Lino Dizon, sa mga Kapampangan, pinaniniwalaan na kung maingatan ang pusod matapos ang kapanganakan ng isang bata at ilagay ito sa isang mataas na lugar sa tahanan, magiging BIBO ang bata sa kanyang paglaki.

Bagama’t marami sa mga pamahiin ay hindi ko pinaniniwalaan, itong tungkol sa pusod ay gusto kong paniwalaan. Noong una akong kumita ng liwanag nuong Ika-19 ng Enero 1984, bisperas ng kapistahan sa aking sinilangan, ang bayan ng Tarlak, binalot ng aking mga mararangal na magulang na sina Charles Chua at Vilma Briones ang aking pusod sa isang edisyon ng pahayagan noong araw na iyon at isinabit sa kisame ng aming kwarto. Nais kong maniwala na may kaugnayan ang pagkakaingat ng aking pusod at ang pagkakabalot nito sa pahayagan sa aking pagkakahilig sa bayan at kasaysayan, at sa masigasig na paglalahad nito. Wika nga ng historyador na si Gregorio F. Zaide, “Today’s events, tomorrow’s history.”

Nais ko ring maniwala na ang aking hilig sa kasaysayan ay dulot ng pagkakita ng aking mga magulang sa pagdaan ng karo ng bangkay ni Ninoy Aquino sa monumento habang ako’y pinagbubuntis ng aking nanay. Ngunit mas kapani-paniwala na ang naging haligi ng aking pagkahilig sa kasaysayan ay ang aking paglaki sa panahon ng pagbagsak ng diktadura at ng sinasabing bagong demokrasya. Ang makasaysayang tagpong ito sa buhay ng ating bansa ay malamang sa malamang, tumatak sa aking murang isipan. Naaalala ko pa rin ang aming pagsigaw kasama ang aking mga kalaro ng “Coree! Coree!” sa tuwing may daraan ng chopper sa aming lugar.

Itinuturing ko ang sarili ko na isang bibong socio-political animal na interesado sa pakikipag-ulayaw sa mga taong nakapaligid sa akin. Maaring ito ang naging dulot ng pinakaunang alaala ng aking pagkabata. Iyon ay noong pagdiriwang ng aking unang taong kaarawan. Maliban sa ang aking cake ay kulay asul, naaalala ko na mula sa aking birthday party, ipinasok ako sa aming kwarto upang matulog na. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Marahil, nais ko pang makisalamuha sa aking mga bisita.

Sa aking paglaki, unti-unti nang lumago ang mga saligan ng aking mga hilig, interes, personalidad at paniniwala.

Malaking impluwensya ang aking ina, sapagkat siya ang aking naging huwaran ng pagmamahal. Dahil full-time housewife, sinubaybayan niya ang aking paglaki at ng aking mga kapatid na sina Michelle at Mark. Ang pag-aarugang ito ang naglayo sa amin sa maraming katarantaduhan na dinaranas ng maraming mga kabataan ngayon.

Malaki ring impluwensya ang aking ama, sapagkat siya ang aking naging huwaran ng tatag at dedikasyon. Siya ang nagtaguyod ng aming pamilya sa kabila ng mga krisis na hinarap ng ating bayan sa paglipas ng panahon. Hindi siya nagsasawang maging mabuting tagapagbigay ng aming mga pangangailangan, maging hanggang sa kasalukuyan. Ang kanyang mga pasya ay puno ng karunungan kaya patuloy namin siyang minamahal at ginagalang.

Malaking impluwensya rin sa akin ang aking lola na isang butihing guro, si Bb. Ching D. Chua, o “Mommy.” Spoiled ako kay Mommy sapagkat lagi niya akong ipinagtatanggol sa tuwing pinagagalitan ako ng aking ina. Bilang unang apo, sinasabi niyang ako ang kanyang paborito. Sa maraming pagkakataon, noong bata pa ako, dinadala niya ako sa kanyang paaralan sa San Juan de Mata, Tarlac. Ako ang saling pusa sa klase na minsan pupunta sa harapan ng blackboard upang kunwari ay magturo sa mga bata. Nang makipagsapalaran siya sa Canada upang mabawi ang aming bahay sa pagkakasangla, pinadalhan niya kami ng isang set ng lumang Encyclopedia na aking pinakialaman sa aking murang edad matapos akong matutong magbasa.

Malaking impluwensya rin ang magulang ng aking ina na sina Jesus at Leonora Briones, sampu ng aking mga tiyuhin, tiyahin at pinsan sa aking ama at ina. Sapagkat todo suporta sila sa akin sa lahat ng pagkakataon.

Masasabing dahil sa pagmamahal na nakapalibot sa akin, sa pangkalahatan, nagkaroon ako ng isang masayang kamusmusan.

Ayon sa aking mga magulang, nang ako ay isilang, napansing kakaiba ang laki ng aking ulo. Nasabi ng doktor na may posibilidad na ako ay mamatay bago ako tumuntong ng limang taong gulang. Ngunit kung malalampasan ko ang edad na ito, garantisado na ang paglaki ko ng normal. Dahil dito, maraming Biyernes akong dinala ng aking namamanatang ina sa aming katedral, suot ang maliit na damit ng Nazareno. Tila dininig ng Panginoon ang pananampalataya ng aking mga magulang.

Kaya naman, bago ako mangolekta ng iba’t ibang aklat ukol sa kasaysayan at iba’t ibang mga paksa, mga santo at mga relihiyosong artikulo muna ang aking kinabaliwan bago ako tumuntong sa gulang na 6. Sa katunayan, humihingi ako ng mga ganitong mga bagay sa bawat bahay na aking bisitahin. Mayroon pa ngang mga naniniwalang ako ay isang pinagpalang bata na nakagagaling pa ng mga simpleng sakit. Mayroon namang iba na ang tingin sa akin ay isang batang nakawala sa Mental Hospital dahil makikita akong naglalakad sa kalsada na may dala-dalang santo, at kung mahal na araw, nagbubuhat at nagpapatali sa krus suot ang aking pulang damit ng Nazareno.

Masasabing kakaiba ako noong bata ako, tanga pa nga siguro. Noong maliit pa ako, aksidenteng naipasok ko ang isang mani sa butas ng aking ilong. Ayon sa aking mga magulang, ilang araw rin nilang pinagtatakhan kung bakit lagi kong kinakalikot ang butas ng aking ilong na tila may tinatanggal. Palibhasa, hindi pa ako nakakapagsalita noon. Laking pagkabigla nila nang makitang nagkakaroon na ng ugat ang mani sa aking ilong. Dinala ako sa ospital kung saan nagkaroon ng isang operasyon upang matanggal ang mani.

Apat na taong gulang siguro ako nang minsa’y iangkas ako ng aking pinsang si Cloydy Manlutac sa kanyang bisikleta upang ikutin ang aking kinalakhang Fairlane Subdivision. Sa may bahaging pababa ng GSIS, bigla niyang binilisan ang takbo. Sa aking takot, ako’y bumitaw at nahulog. Noong 1995, tila naulit ito nang minsa’y nagbakasyon kami sa Sampaloc, Quezon. Nang bilisan ng aking ama ang takbo ng kabayo habang ako ay nakaangkas, ako ay bumitaw at nahulog, muntik pang mauntog sa isang pinagputulang puno ng niyog.

Noong ako ay lumalaki bago ako makapag-aral, madalas kaming magbakasyon sa Baesa, Lungsod Quezon, sa bahay ng aking tiyahing si Edna Apondar. Nakikita ko ang ginagawang pagbababa ng mga tindero sa Camachile habang tumatakbo ang mga bus. Natuwa ako dito kaya nang minsa’y pauwi na kami sakay ang traysikel na minamaneho ng aking ama, sinubukan kong tumalon. Sa harapan ng aming bahay, nabigla ang aking ama na may kumalso sa gulong. Nang tingnan niya, nasagasaan na pala ako. Mabuti na lamang at ilang galos lamang sa paa ang aking natamo.

Sa panahong ito, ninais kong maging pari, kaya naman ako ay nagmimisa at nagpapasyon pa at sinusundan ako ng ibang mga bata. Sa katunayan, ipinasok ako ng aking ina sa Mary Grace School, isang Katolikong Montessori nung ako ay nasa preparatori at ako’y nanguna sa klase (at sa kayabangan). Nang matuto akong magbasa, mga aklat dasalan at nobena ang aking mga unang binasa.

Nag-iba ang ihip ng hangin para sa akin nang ipasok ako sa Tarlac First Baptist Church School (TFBCS) pagtuntong ko sa elementarya nuong 1991, na pinamumunuan ng isang malapit na kamag-anak, si Lola Oda (Bb. Socorro Timbol). Napagdesisyunan ko na ang pagsusuot ng sutana ay hindi para sa aking nang una kong masilayan ang aking unang crush, si Raphaelle Elena S. Ibarra, isang maputing babae na may inang Aleman. At bagamat pitong taon pa bago ko tuluyang iwan ang aking kinagisnang pananampalataya, ito ang naging saligan ng aking pagkaprotestante.

Ika-8 ng Disyembre, 1993 nang tanggapin ko si Hesukristo bilang aking Panginoon at Tagapagligtas nang magsalita sa aming klase noong Baitang 3 si Pastor Banjo Bandasan.

Sa paaralang iyon, nakilala ko ang aking pinakamatalik at pinakamatagal na kaibigan ng mahigit isang dekada na, si Jeremiah “Mayo” Baluyut. Para kaming kambal kung tutuusin. Duon nahubog nang malaki ang interes ko sa nakaraan bagamat may pagkakamali sa ilang aspeto ng itinuturo (Tulad ng Teorya ng Pandarayuhan bilang pinagmulan ng unang tao sa Pilipinas, hehehe), itinuro ng mga guro ang Sibika ng napaka interesante. Lalong umigting ang aking pagnanais na mag-aral nang kasaysayan nang maging guro ko sa huling dalawang taon ng aking pag-aaral ng elementarya si G. Bernie S. de Vera, na katulad ko, ay may malaking pagmamalasakit sa nakaraan, at nang mabasa ko sa gulang na labing-sa ang aklat ng pamosong si Ambeth R. Ocampo, ang “Rizal Without The Overcoat.” Sumulat ako at di naglaon naging editor-in-chief ng pahayagang “The Achievers.” Sa paaralang din iyon ako’y nagtapos ng elementarya nuong 1996, sa anim na taon ko sa paaralang iyon ako’y nagkamit ng maraming gantimpala, at nagwagi sa ilang lokal na patimpalak sa Sibika.

Noong mga bakasyong 1995 at 1996, ipinapasyal ako, kadalasan ng aking tiyahing si Edna Apondar, sa mga magaganda at makasaysayang lugar sa Kalakhang Maynila tulad ng Intramuros, Pambansang Museo, Parkeng Rizal, Parkeng Paco, Nayong Pilipino, Quiapo, Grotto ng Lourdes sa Bulacan, atbp. na lalong nakapagpaalab ng aking interes sa kasaysayan.

Nang pumasok ako ng hayskul sa St. Matthew Christian Academy (SMCA) noong 1997, bagong paaralan pa lamang ito. Umekstra ako sa banda naming magkakaklase bilang percussionist at kung minsan ay vocalist. Sa panahon ding ito nakilala ko ang aking magiging unang nobya na si Bernadette Galamay na dalawang taon ang tanda sa akin. Tumagal kami ng anim na buwan lamang. Nung nasa ikalawang taon ako, nagwagi ako ng ikatlong parangal sa First Ramon Magsaysay Essay Writing Contest. Dahil dito, naimbitahan ako sa Ramon Magsaysay Awards night nuong 1998 upang manood at makita ang ilang sikat na mga personahe sa politika at komersyo. Mula noon, kinarir ko na ang pagpunta sa Ramon Magsaysay Awards taun-taon. Tinapos ko ang aking unang nobela nuong Marso 1998. Ang “The Good Fight” ay isang paglalarawan ng isang buhay at politikang nais kong Makita nuon bilang isang batang Kristiyano’t idealista. Subalit masasabi kong sa ngayon, hindi pa magiging totoo at hanggang pangarap na lamang ang kwento sa akdang ito. Mula noon, nagtangka na akong sumulat ng mga akdang pangkasaysayan: Kwento ni Rizal sa Dapitan, isang picture-book ng Rebolusyong Pilipino, tatlong kwaderno ng mga larawan at talambuhay ng mga naging Pangulo ng Pilipinas, annotated bibliography ukol sa human rights violations nuong panahon ng diktadura, at isang akda ukol sa pagpupunyagi ni Miriam Quiambao.

Isang masayang panahon ang aking unang dalawang taon sa hayskul, subalit, nang tumuntong ako sa ikatlong taon, nawala lahat ang aking mga matatalik na kaibigan sa iskwelahan, kami nalang ni Mayo ang natira. Kaya naman, sinimulan na kaming apihin ng notoryus na barkadahang West Side Boys. Minsan nilang sinabi na pinagpapantasyahan ko daw si José Rizal. Ipinahayag din nila sa klase na ang mga taong katulad ko raw ay hindi makatatayo sa sarili naming mga paa at di makaaalis sa saya ng aming mga nanay! (Sinabi nila ito dahil sa madalas kong pagpapakita ng aking paglalambing sa aking ina—Pero sino ang nasa UP ngayon?) Para sa akin, isa ito sa mga mahahalagang yugto ng aking buhay sapagkat, bagamat mababaw lamang ito, sa aking pagkalungkot at pag-iisa ako ay naging mas matatag na tao. Dito rin ako natutong lumaban, at ipakita sa mga damuho ang tunay naming powers! Nagkaroon muli kami nang barkadahan na tumapat sa kanila, ang Row 4, at bumalik ang sigla ng aking buhay! Sa sumunod na taon, ang West Side Boys ay hindi na nakapasok sa paaralang iyon dahil sa mga kabulastugang kanilang ginawa. ü

Nuong Ika-4 ng Nobyembre 1999, sa kalagitnaan ng aking kalungkutan, nakilala ko ang huhubog ng malaki sa aking pagkatao at magbubukas ng husto sa aking isipan. Ito ay ang musika nina John, Paul, George at Ringo, ang Beatles!

Dahil sa aking katorpehan, marami nang kababaihang aking ninais ang aking pinalampas at hinayaang mapasakamay ng iba. Sa aking pagtungtong sa ikaapat na taon, hindi ako pinalampas ng isang magandang dilag at bagito sa eskwelahan na nagngangalang Florenda Pangilinan. Dahil nakita niyang isa akong torpe, umamin ang bruha na may gusto siya sa akin. Sabi ko naman sa isip ko, “pwede!” Kaya naman noong araw ding iyon, nuong ika-27 ng Hunyo 2000, naging magkasintahan na kami. At kahit hindi ko pa siya talagang mahal na mahal nuon, habang nagkakasama na kami, lalong umigting ang aking pag-ibig sa kanya hanggang mapagpasyahan kong siya na ang babaing aking dadalhin sa kam…este ihaharap sa dambana. Sa kabila ng iba’t ibang unos na sumubok sa aming pag-iibigan, at iba’t ibang mga tagumpay na nagpatibay nito, nasa ikalimang taon na ang aming pagsasama.

Masasabi kong panahon ko ang ika-apat na taon sa hayskul sapagkat dahil kaming mga 4th year na ang mga kuya’t ate, nauuto namin ang mga nakababatang mag-aaral sa aming maliit na paaralan. Naging pangulo ako ng pinakamalaking organisasyon ng mga mag-aaral duon, ang Christian Youth Movement (CYM). Naging editor-in-chief ako ng aming pahayagang “The Pendulum.” Napamahal ako sa aking mga guro lalunglalo na sina Gng. Julieta Paras at G, Rhonnel Tipay. At sa kabutihan ng Panginoon, nang matatapos ang taon, hindi inaasahang itinanghal akong Valedictorian ng labintatlong gradweyt. Kung academics lamang ang pagbabasehan, lalabas lang akong pangatlo, subalit naisahan ko sila sa extra curricular at sa aking marka nuong ikatlong taon. Nasorpresa ang aking ama ang ipaalam sa kanya ang nangyari sa mismong lugar na na pagdadausan ng pagtatapos. Hanggang ngayon, maituturing kong ang aking pagtatalumpating Valedictory sa araw na yon ng ika-30 Marso 2001 ang pinakamataas na yugto ng aking buhay hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa aking talumpati, “Always look back to the past…emulate our triumphs, never repeat our mistakes. For the past will open the doors for the future!”

Pang-apat ako sa mga pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas mula sa aking paaralan, namumukod tangi sa Diliman. Kinuha ko ang kursong BA Kasaysayan, at ang naging blockhandlers namin ay ang UP Lipunang Pangkasaysayan (LIKAS), ang organisasyong aking sinalihan, matapos ang mahigit isang taon. Sa aking huling taon sa LIKAS, ako ay inihalal ng mga kasapi bilang kanilang direktor ng Lupon para sa Dokumentasyon at Aklatan (2004-2005).

Naging aktibista ako minsan sa aking buhay nang tumira ako sa Kalayaan Residence Hall. Sa aking kaepalan ay itinanghal akong corridor representative ng Ikalawang Palapag at nakisangkot sa usaping abolisyon ng ROTC. Ngunit masasabi kong hindi ko kailanman sineryoso sa aking sarili ang kaisipang Komunista. Sa dormitoryo ko rin nakilala ang babaing ni minsan ay hindi ko minahal ngunit aking inasam. Naging obsesyon ito at maituturing kong isa sa aking pinakamalaking pagkakamali sa aking buhay na sa matagal na panahon ay tinamasa ko ang ibinunga: Ang aking pagiging malayo ang loob sa ating Panginoon. Subalit kaybuti Niya pa rin at naaasahan ko pa rin Siya na gumabay.

Gumawa kami ng maikling pelikula ng aking kaibigan na si Mayo isang araw noong bakasyon 2002. Idinerehe niya ang pelikulang “Talos” na akin namang pinagbidahan kasama ang aking nobya. Ito’y pinalabas kamakailan sa UP Pampanga bilang ACLE (Alternative Classroom Learning Experience) at maraming tao ang nanuod! Sinundan ito ng mga maiikling pelikulang tulad ng “A 4Some Affair,” “Genreload” (2003), “Fool On The Hill,” “The Elders” (2004) “Just Like…Lovers in Paris” (2005), mga pelikulang naipalabas din sa sumunod na dalawang taon sa UP Pampanga.

Mula taong 2002 hanggang 2005, nanirahan ako sa Yakal Residence Hall, at ang paninirahan ko sa dormitoryong ito, sa aking palagay, ang nagpatibay sa akin bilang isang tao at bilang isang iskolar. Ang simpleng pakikisalamuha at pakikipamuhay sa aking mga kapwa Iskolar ng Bayan ang nagpayaman ng aking karanasan at kaalaman liban pa sa natutunan ko sa aking mga klase. Sa aking pagtakbo noong 2004 bilang Pinuno ng Komite para sa Usaping Pang-akademiko ng dormitoryo, ibinandila ng aking kandidatura ang pagsulong ng interes para sa kasaysayan. Nang ako ay mahalal, naging pangunahing proyekto ko ang pagpapalabas ng mga pelikula at dokumentaryo may kaugnayan sa kasaysayan tuwing Miyerkules ng hapon. Ang serye ay tinaguriang “The Yakal Histories.” Naging koordineytor din ako ng pinakaunang “Yakal One-Page University-Wide One-Page Essay Writing Contest.”

Ilan pa sa mga tagumpay na aking nakamit, sa biyaya ng Panginoon, habang ako ay nasa unibersidad ay ang pagiging College Scholar sa loob ng tatlong semestre, at ang aking pagiging University Scholar noong Unang Semestre ng 2003-2004. Dalawang beses ring nagwagi ang aking mga papel sa Paper Presentation Series ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, noong mga taong 2003 at 2004.

Noong Ika-22 ng Abril, isang araw bago ang aking pagtatapos sa pamantasan, napagkayarian ng kaguruan ng Departamento ng Kasaysayan ng UP Diliman na tanggapin ako upang magturo ng Kasaysayan I sa departamento—katuparan ng aking mga pangarap.

Bago ako pumasok sa UP, feeling ko ang galing-galing ko na. Ang lakas nga ng historical complex ko, e. Pangarap kong maalala sa kasaysayan. Maging presidente ng Pilipinas siguro. Akala ko madali. Pero nang makilala ko ang mga kamag-aaral ko, nasabi ko sa sarili kong, “Kulang pa, Xiao, kulang pa!” Subalit ako’y natutuwa na kasama kong nag-aaral ang mga magagaling na mga iskolar ng bayan mula sa buong Pilipinas, marami akong natutunan sa simpleng pakikisalamuha at pakikipagkaibigan sa mga tao dito. Masaya ako dito, lalo na sa aking naging kurso. Hindi ko nakikita ang aking sarili na nag-aaral ng ibang kurso sa ibang paaralan. Asteeg dito sa UP Diliman. Kung nuon, gusto kong maalala sa kasaysayan, ngayon, simple na lang, gusto kong magturo ng kasaysayan. Ito ang landas na nais kong tahakin. Nabubuhay ako sa nakaraan sapagkat natatanto ko na magagamit ko ang nakaraan bilang saligan sa ating mga kasalukuyan at mga hinaharap.

Bagama’t ang aking pisikal na pusod ay napatid na at nakabalot sa isang peryodiko, tila patuloy akong konektado sa aking ina sa pamamagitan ng pusod ng pagmamahal. Nais kong ibalik ang aking pagmamahal sa aking Inang Bayan sa pamamagitan ng KASAYSAYAN, ang pusod na nagkokonekta sa akin, at sa ating lahat, sa ating minamahal na Pilipinas.

[Itinataya ko ang aking dangal sa pagkatotoo ng aking mga isinalaysay sa abot ng makakaya ng aking memorya. Kasihan nawa ako ng Diyos.]

-Ika-22 ng Pebrero, 2003, Nirebisa ika-14 ng Hunyo, 2005, ika-20 ng Hulyo, 2005, at ika-5 ng Hulyo, 2006

michaelxiaochua.multiply.com

Static Wikipedia 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu