Palayaw
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang palayaw ay kadalasang maikli, maligsi, maganda, minamaliit o kaya pamalit sa totoong pangalan ng isang tao o bagay (halimbawa Berting para sa pinaigsing Roberto). Bilang kaisipan, iba ito sa pseudonym at stage name.
Tinawag din ito na pangalawang pangalan na hindi rehistrado sa Sertipiko ng Kapanganakan. May mga taong mayroong palayaw, mayroon din namang may higit sa iisang palayaw. Si Jose Rizal, na pambansang bayani ng Pilipinas ay mas kilala sa palayaw na Pepe.