Philippine Provincial Newspapers
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang mga pahayagan sa Pilipinas partikular na sa mga lalawigan o provincial newspapers (at mas kilala ngayon bilang "community paper") ay may mahabang kasaysayan. Lakip na dito kung anong pahayagan ang kaunaunahang inilimbag, isang bagay na dapat patunayan ng bawat lalawigan.
Kung ang Manila Times ay inilathala na noon pa mang 1898, may mga pahayagan naman sa mga lalawigan na nailathala na mahigit sa 50 taon na ang nakalilipas tulad ng The Bohol Chronicle at marami pang iba.
Karamihan sa mga pahayagan sa lalawigan ay inilalathala pa rin bilang lingguhan (weekly). Ang isang dahilan ay mahina ang pasok ng Advertising.