Raul Roco
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Raul Sagarbarria Roco (Oktubre 26, 1941 - Agosto 5, 2005) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ang napiling kumandidato ng Aksyon Demokratiko, na kaniyang itinatag, para sa pagkapresidente sa eleksyon ng Pilipinas noong 2004. Dati siyang senador at kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ipinanganak si Roco sa lungsod ng Naga, Camarines Sur kina Sulpicio Azuela Roco, isang magbubukid, at Rosario Orlanda Sagarbarria, isang gurong pampublikong paaralan. Ikinasal si Roco kay Sonia Cubillo Malasarte, na taga-Bohol. Mayroon silang anim na anak (Robbie Pierre, Raul Jr., Sophia, Sareena, Rex at Synara) at apat na apo.
Noong Agosto 5, 2005, namatay si Roco sa sakit na prostate cancer sa St. Luke's Medical Center, Lungsod Quezon. Ililibing siya sa kaniyang bayang sinilingan.