Risa Niigaki
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Risa Niigaki (新垣里沙 Niigaki Risa; ipinanganak noong Oktubre 20, 1988 sa Yokohama, Kanagawa Prefecture ng bansang Hapon) ay isang Hapones na mang-aawit, na kasapi sa grupong Morning Musume.
Mga nilalaman |
[baguhin] Karera
Sumali si Risa sa grupong Morning Musume noong Agosto ng taong 2001, kasama sina Ai Takahashi, ang kanyang matalik na kaibigang si Asami Konno, at si Makoto Ogawa. Una siyang nakita sa ikalabing-tatlong single ng Morning Musume na "Mr. Moonlight ~Ai no Big Band~," kung saan siya lamang (sa panglimang henerasyon) ang nakakuha ng solo line. Ngunit bago siya naging kasapi sa grupo, lumabas na siya sa isang patalastas sa telebisyon, kung saan siya ay nag-endorse ng karaokeng pambata.
Taong 2002, inilagay siya sa subgroup na Tanpopo, kasama ang kamiyembrong si Asami Konno at miyembrong taga-Melon Kinebi na si Ayumi Shibata, upang palitan ang mga lumang miyembro nito: sina Kaori Iida, Mari Yaguchi, at Ai Kago. Sa gayong ding taon, inilagay siya sa shuffle group na Happy 7.
Pagdating ng Setyembre, ng taong 2003, hinati ang grupong Morning Musume, at inilagay siya sa grupong Morning Musume Sakuragumi. Bago siya ilagay sa grupong ito, inilagay siya sa grupong 7 AIR noong nangyari ang summer shuffle sa taong iyon.
[baguhin] Filmograpiya
[baguhin] Pelikula
- Tokkaekko (とっかえっ娘)
[baguhin] Pahayagan
[baguhin] Mga photobook
- Faibu Morning Musume. Goki Manbaa Shashin Shuu (5期メンバー写真集)
- Niigaki Risa (新垣里沙)