Sinarapan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Sinarapan | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Klasipikasyong siyentipiko | ||||||||||||||
|
||||||||||||||
Pangalang binomyal | ||||||||||||||
Mistichthys luzonensis Smith, 1902 |
Ang sinarapan (Mistichthys luzonensis) ay pinakamaliit na isdang komersyal na inaani na matatagpuan lamang sa Pilipinas. Endemiko ito sa Rehiyon ng Bikol, partikular sa Lawa ng Buhi, Lawa ng Bato, Ilog ng Bikol at ibang bahagi ng tubig sa lalawigan ng Camarines Sur.
Isang uri ng goby ang sinarapan at nanganganinag sila, maliban sa mga itim na mata. Karaniwang nasa 12.5 milimetro ang haba nito at mas maliit ang lalaki kaysa babae.
Sa ngayon, nanganganib ang sinarapan na maglaho dahil sa labis na pangingisda.