Taumatawhakatangihangakoauauotamateapokaiwhenuakitanatahu
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Taumatawhakatangihangakoauauotamateapokaiwhenuakitanatahu o Taumatawhakatangihangakoauauotamateaturipukakapikimaungahoronukupokaiwhenuakitanatahu ay ang pangalang Maori ng lugar na may taas na 305 metro, kalapit ng Porangahau, timog ng Waipukurau sa Katimugang Hawke's Bay, New Zealand. Para mapadali ang paggamit ng salitang ito, ginagamit na lang ang salitang Taumata.