Teddy Benavidez
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Teddy Benavidez ay isang artistang Pilipino na produkto ng Sampaguita Pictures bilang isa sa mga nangungunang aktor bago magkagiyera. Teodoro Benavidez ang una niyang screen name. Gumawa muna siya ng tatlong pelikula bago tuluyang pumirma ng kontrata sa Sampaguita ito ay ang Mga Kaluluwang Napaligaw, Mga Pusong Dakila at Milagro ng Nazareno sa Quiapo.
Taong 1937 ang kauna-unahang pelikula ng Sampaguita Pictures ito rin ang kauna-unahang pelikula ni Teddy ang Bituing Marikit nina Rogelio dela Rosa at Elsa Oria na isang musikal. Naka-isang dosenang pelikula siya sa Sampaguita mula 1937-1942. Huli niyang pelikula ang Landas na Ginto at pansamantalang tumigil dahil sa pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
Taong 1947 ng magbalik pelikula at ipagkatiwala ang papel ni Tani (Lord of the South Seas) sa kanya ng Leyte Motion Pictures
Iba-iba na ang kanyang kompanyang sinalihan pagkatapos ng Sampaguita sapagkat gumawa siya sa LVN Pictures ang Malaya (Mutya ng Gubat), Krus ng Digma ng X'Otic Pictures, Pag-ibig at Patalim ng GLM Pictures. Dekada 50s lumabas siya sa iba't-ibang kompanya nariyan ang Pedro, Pablo, Juan at Jose ng Luis F Nolasco Production, Tatlong Birhen ng Liwayway Pictures, Kalbaryo ni Hesus ng Lebran Pictures. Ang kahuli-hulihang pelikula niyang ginawa ay Objective: Patayin si Magsaysay ng Champion Pictures
[baguhin] Pelikula
- 1936 - Mga Kaluluwang Napaligaw
- 1937 - Mga Pusong Dakila
- 1937 - Milagro ng Nazareno sa Quiapo
- 1937 - Bituing Marikit
- 1938 - Inang Mahal
- 1938 - Tigre (Ang Taong Halimaw)
- 1938 - Paru-Parong Bukid
- 1938 - Himagsikan ng Puso
- 1938 - Madaling Araw
- 1941 - Balatkayo
- 1941 - Tarhata
- 1941 - Sa Iyong Kandungan
- 1941 - Tampuhan
- 1941 - Balatkayo
- 1942 - Landas na Ginto
- 1947 - Tani (Lord of the South Seas)
- 1948 - Krus ng Digma
- 1948 - Pag-ibig at Patalim
- 1948 - Malaya (Mutya sa Gubat)
- 1950 - Pedro, Pablo, Juan at Jose
- 1951 - Tatlong Birhen
- 1952 - Kalbaryo ni Hesus
- 1957 - Objective: Patayin si Magsaysay