Timog Katagalugan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Timog Katagalugan, o Rehiyon IV, ay dating isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ngayon ng Rehiyon IV-A (CALABARZON) at Rehiyon IV-B (MIMAROPA). Nahati ang Rehiyon IV sa dalawang rehiyon noong Mayo 17, 2002. Bago ang pagkahati, ang Timog Katalugan ang pinakamalaking rehiyon sa parehong populasyon at lawak
Matatagpuan ang Rehiyon IV sa Timog Luzon. Binubuo ang Rehiyon IV-A - CALABARZON ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal samantalang ang Rehiyon IV-B - MIMAROPA ay binubuo ng Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan at Romblon.
[baguhin] Mga makikita sa rehiyon
- Sa Laguna matatagpuan ang Talon ng Pagsanjan at Talon ng Batocan
- Lawa ng Laguna o Laguna de Bay - sa pagitan ng Rizal at Laguna at pinakamalaking lawa sa bansa.
- Lawa ng Taal - sa Batangas
- Bulkang Taal - nasa gitna ng lawa ng Taal
- Bundok ng Sierra Madre - nasa kahabaan ng lalawigan ng Quezon
- Bundok Banahaw - sa Quezon
- Bundok Makiling - sa Laguna
[baguhin] Klima
- Batangas, Cavite. Occidental Mindoro: ang tag-init ay mula Nobyembre hanggang Abril samantalang tag-ulan naman mula Mayo hanggang Oktubre.
- Palawan, Rizal, Laguna: hindi tiyak ang panahon / tagtuyot mula isa hanggang tatlong buwan.