Toni Gonzaga
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Toni Gonzaga | |
![]() |
|
Tunay na pangalan: | Celestine Cruz Gonzaga |
Petsa ng kapanganakan: | Enero 20, 1984 |
Si Toni Gonzaga (buong pangalan: Celestine Cruz Gonzaga) ay isang artista, mang-aawit at TV host na Pilipino. Ipinanganak siya noong ika-20 ng Enero, 1984.
Mga nilalaman |
[baguhin] Talambuhay
Unang nakilala si Toni Gonzaga noong labing-pitong taong gulang siya nang mapasama siya sa commercial ng Sprite kung saan nakatambal niya ang batikang artista at mang-aawit na si Piolo Pascual.
Dahil dito, naging tanyag si Toni Gonzaga at napabilang siya sa mga pantelebisyong programa tulad ng Eat Bulaga ng GMA Network at Wazzup Wazzup ng Studio 23. Ito ay sinundan ng mga programa ng ABS-CBN tulad ng MRS: Most Requested Show, ETK: Entertainment Konek at ASAP. Lalong sumikat si Toni Gonzaga ng maging host siya ng programang Pinoy Big Brother.
Lumabas rin si Toni Gonzaga sa pelikula tulad ng D’Anothers at You Are The One. Ang pinakabagong proyekto ni Toni Gonzaga ay ang pantelebisyong programang Crazy For You na kung saan katambal niya si Luis Manzano.
[baguhin] Mga Tinampukang Palabas
[baguhin] Telebisyon
- Crazy For You (2006)
- Komiks "Mga paa ni Isabela" (2006)
- Pinoy Dream Academy (2006)
- Gudtaym (2006)
- Pinoy Big Brother Celebrity Edition (2005)
- Pinoy Big Brother (2005)
- Pinoy Big Brother: Si kuya barkada mo (2005)
- Bora: Sons of the Beach (2005)
- 30th Metro Manila Film Festival-Philippines 2004 Awards Night (2004)
- Lagot ka…isusumbong kita (2004)
- Love to Love "Duet for Love" (2004)
- Eat Bulaga (2004)
- Wazzup Wazzup (2004)
- Habang kapiling ka (2002)
[baguhin] Pelikula
- You Are The One (2006)
- D’Anothers (2005)
- Pakners (2003)
- You Got Me (2007)
[baguhin] Plaka
- You Complete Me (2006)
- Toni Gonzaga (album) (2002)
[baguhin] Mga Pahinang Pag-uugnay
- Toni Gonzaga sa The Internet Movie Database
- Toni Gonzaga fan site para kay toni