Vanessa Anne Hudgens
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Vanessa Anne Hudgens (Disyembre 14, 1988) ay isang Amerikanang aktres and mang-aawit. Nag-umpisa siya noong 2003 at lumabas sa mga pelikula sa Hollywood. Ang una niyang pelikula ay pinamagatang Thirteeen at Thunderbirds bago siya sumikat sa 2006 gawa-para-sa-telebisyong pelikula High School Musical. Siya ay nakagawa na rin ng album na pinamagatang V at na inilabas noong 2006.
[baguhin] Talambuhay
Ipinanganak si Hudgens sa Salinas, California at lumaki siya sa San Diego, California. May nakababata siyang kapatid na si Stella Hudgens na isa ring aktres sa Estados Unidos. Ang kanyang ama, Greg Hudgens, as isang Irish-American samantalang ang kaniyang ina na si Gina Guangco ay isang Pilipino-Amerikano. Lahat ng kanyang mga lolo't lola ay naging mga manunugtog at mang-aawit noong panahon ng Big Band. Simula noong edad na walo, sumali siya sa mga teatrong musikal bilang isang mang-aawit at sumali sa mga lokal na produksyon ng Evita, Carousel, The Wizard of Oz, The King and I, The Music Man, Cinderella at iba pa.