Weißwurstäquator
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang weißwurstäquator (pinakamalapit na bigkas /váys·vurst e·kvá·tor/; literal: “ekwador ng sausage na puti”) ay isang pampatawang katawagang tumuturing sa isang kathang-isip na hangganan. Hinahati nito ang Alemanya sa bahaging Timog, pangunahin na ang Bayern, kung saan kinakain ang Weißwurst, at sa bahaging Hilaga, kung saan ang mga sausage na ito ay ni kinakain ni itinuturing na nakakain.
Halos sinasabayan ng weißwurstäquator ang daloy ng Ilog Main, habang ginuguhit naman ng ilang mga taga-timog Bayern ang weißwurstäquator mula sa ulo ng Ilog Danyub o kaya naman bilang isang sirkulong pumapalibot sa München na may 100 km radius o pabilog na sukat.