Celia Flor
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mga nilalaman |
[baguhin] Talambuhay
Maganda at medyo singkit. Si Celia ay Pangunahing bida sa mga pelikula ng LVN Pictures. Siya ay kinontrata ng kanyang tiyahin na si Dona Sisang]]. Una pa lamang pelikula niya ay bida agad at itinambal kay Jose Padilla Jr. ang Hampas ng Langit.
Itinambal siya kay Rogelio dela Rosa sa pelikulang Sa Tokyo Ikinasal at siya naman angmortal na kaaway ni Jose Padilla Jr. sa Ibigin mo ako, Lalaking Matapang.
Taong 1949, ng pinagsama sila sa kauna-unahang pagtatambal nila ni Armando Goyena sa isang madramang pelikula tungkol sa babaeng napagbintangang may kaulayaw sa Maria Beles. Hindi rin siya matatawaran sa pelikula digmaan na pinagsamahan nila ni Leopoldo Salcedo ang Capas na hango sa Death March noong panahon ng Liberasyon.
Nagustuhan ng tao ang kanilang pagtatambal ni Pol kaya nasundan iyon ng Florante at Laura na hango kay Franciso Balagtas at sa ikatlong pagtatambal na sunud-sunod, isa na namang Leopoldo-Celia na pelikula tungkol sa paghihimagsik ang Hantik.
Noong 1950 isinubok siyang itambal kay Jaime dela Rosa sa Kontrabando na isang pelikula tungkol sa mga kargamentong ilegal. Pati ang baguhang si Teody Belarmino ay itinambal sa kanya sa isang pelikulang Musikal ang Ang Tapis mo Inday.
Sa ikalawang pagkakataon ay nagsama ang Jose-Celia para sa pelikulang Matador tungkol sa isang boksingerong nalalaos. Noong 1952 ay muntik na niyang masungkit ang Famas para sa Best Actress dahil sa galing niya at makatotohanang pagganap bilang isang babaeng nabilanggo na wala namang kasalanan sa Correccional at ang parangal ay nakuha ng Sampaguita Pictures star na si Alicia Vergel.
Sa pelikulang Loida ito na ang kanyang pinakamahabang pelikula na umbaot sa tatlong oras kung saan ginampanan niya ang papel ng isang babaeng sa sobrang awa ng lalake ay pinakasalan malayo lamang ang lalake sa kahihiyang dahil sa pagbintang na nahuhumaling sa ibang allake ang magiging asawa.
Taong 1955 ng lumabas siya sa kahuli-hulihan niyang pelikula ang Panyolitong Bughaw katambal si Mario Montenegro.
[baguhin] Tunay na Pangalan
[baguhin] Kapanganakan
[baguhin] Lugar ng Kapanganakan
[baguhin] Tiyahin
- Dona Narcisa de leon aka Dona Sisang
[baguhin] Pinsan
[baguhin] Pelikula
- 1948 -Hampas ng Langit
- 1948 -Sa Tokyo Ikinasal
- 1949 -Ibigin mo Ako, Lalaking Matapang
- 1949 -Maria Beles
- 1949 -Capas
- 1950 -Florante at Laura
- 1950 -Hantik
- 1950 -Kontrabando
- 1951 -Ang Tapis mo Inday
- 1952 -Matador
- 1952 -Correccional
- 1953 -Maria Mercedes
- 1953 -Loida
- 1953 -Huk sa Bagong Pamumuhay
- 1954 -Tinalikdang Dambana
- 1954 -Pasiya ng Langit
- 1955 -Tagapagmana
- 1955 -No Place to Hide
- 1955 -Panyolitong Bughaw
[baguhin] Tribya
- alam ba ninyo na pamangkin siya ni Dona Sisang at pinsan siya ni Prescilla Cellona.