Dante Alighieri
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Durante degli Alighieri, mas kilala bilang Dante, (mga Hunyo 1, 1265 – Setyembre 13/14, 1321) ay isang Italyanong manunula ng Firenze. Tinuturing ang kanyang pinakadakilang gawa ang Divina Commedia (Banal na Komedya) bilang ang pinakadakilang pangungusap pang-panitikan sa Europa noong Gitnang Panahon, at ang batayan ng makabagong wikang Italyano. Patuloy na sinusulong ng Samahang Dante Alighieri (Italyano: Società Dante Alighieri), tinatag sa Italya noong 1889, ang kultura at wikang Italyano sa buong mundo sa ngalan niya.