Kalibo, Aklan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Kalibo ay isang ika-unang klase ng munisipalidad na nasa lalawigan ng Aklan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa hilaga-kanlurang bahagi ng Panay. Ito ang nagsisilbing kabisera ng Aklan. Ayon sa sensus ng taong 2000, mayroong itong populasyon na 62,438 sa 12,628 tahanan. Ang Lungsod ng Roxas sa Capiz at ang Lungsod ng Iloilo sa Lalawigan ng Iloilo ang dalawang pinakamalapit na lungsod dito. Nararating ang mga ito sa pamamagitan ng bus o dyip.
Kilala ang Kalibo dahil sa pista ng Ati-atihan. Daanan din ito patungo sa Boracay, na 45 minuto lang ang layo galing sa daungan sa Caticlan. Nagsisilbi rin itong sentro ng edukasyon, kalusugan at komersyo ng lalawigan..
Nagmula ang "Kalibo" sa salitang "sangka libo" na ibig sabihin ay "isang libo" sa wikang Aklanon. Ayon sa alamat, ito ang bilang ng mga katutubong Ati (o Aeta) na sumama sa kauna-unahang misa sa lalawigan, kung saan nagmula rin ang pista ng Ati-atihan.
Maaaring mapuntahan ang Kalibo gamit ang mga eroplanong mula sa Maynila. Mapupuntahan din ito mula sa mga daungan ng Dumagit o New Washington. Traysikel ang karaniwang sasakyan sa bayan.
[baguhin] Mga barangay
Nahahati ang Kalibo sa 16 na barangay.
|
|
[baguhin] Istasyong Pantelebisyon
- GMA Network: TV 7
- ABS-CBN Network: TV 2
- Studio 23: Channel 23
- GMA Kalibo: TV 8
- ABS-CBN Kalibo: TV 23
- ACQ-Kingdom Broadcasting Network: Channel 37