Malinao, Aklan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Malinao ay isang ika-apat na klase ng munisipalidad na nasa lalawigan ng Aklan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa pulo ng Panay sa lokasyong heograpikal 122° 10' hanggang 122° 19' Silangan, 11° 40' hanggang 10° 35' Hilaga. May laki itong 186.01 km². Ayon sa sa sensus sa taong 2000, mayroon itong populasyon na 23,699 sa 4,381 tahanan.
[baguhin] Barangays
Nahahati ang Malinao sa 23 barangay.
|
|
[baguhin] Kasaysayan
Bago maging bayan ang Malinao, bahagi ito ng Banga ngunit nahiwalay ito sa tulong na rin ng isang petisyon ng mga pinuno ng Malinao noong kalagitnaan ng ika-17 siglo.
Naging tanyag naman ang bayan noong panahon ng himagsikan laban sa Espanya sa katapusan ng ika-19 siglo. Sa katunayan, kabilang si Candido Iban, isang residente ng Malinao, sa punong grupo ng mga orihinal Katipunero na pinamunuhan ni Andres Bonifacio.