Lungsod ng Mumbai
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Mumbai, dating kilala bilang Bombay (mula sa Portuges na Bombaim), ay ang kabisera ng Maharashtra na isang estado ng India at pinakamaraming populasyon na lungsod sa India. Matatagpuan ang Mumbai sa Isla ng Salsette sa kanlurang pampang ng India. Binubuo ito sa isa sa mga konurbasyon na may pinakamaraming populasyon. Ang siyudad, na mayroong malalim na natural na pundahan, ay ang pinakamalaking daungan sa kanlurang India, inaasikaso ang higit sa kalahati ng pampasaherong trapiko sa India.