Miriam Defensor-Santiago
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Miriam Defensor-Santiago (ipinanganak Hunyo 15, 1945), pinangalanang isa sa isang daang pinaka-makapangyarihang babae sa buong mundo or "100 Most Powerful Women in the World", ng isang Australian Magasin noong 1997, ay isang respetableng pulitiko na hinahangaan sa kanyang galing sa academics at sa kanyang profesyonalismo pagdating sa trabaho. Mas kilala sa tawag na "Miriam", siya ay nakapagbigay ng karangalan sa Pilipinas ng siya ay pinarangalan ng Magsaysay Award, ang utinuturing na Asian equivalent ng Nobel Prize, dahil sa kanyang tapang sa paglilinis ng korupsyon sa Bureau of Immigration, noong siya ay nagsilbing commissioner dito.
KABATAAN AT PAARALAN
Si Miriam ay ipinanganak sa Iloilo City, Iloilo kay District Judge Benjamin A. Defensor at Dean Dimpna Palma Defensor. Siya ay nagtapos ng kanyang elementarya bilang valedictorian sa La Paz Elementary School noong 1957. Taong 1961, noong siya ay nagtapos ng highschool sa Iloilo National High School, muli bilang isang valedictorian. Samantala, siya ay nag-aral ng kolehiyo at ng abogasya sa University of the Philippines o U.P.
Sa U.P., si Miriam ay nakapagtala ng bagong kasaysayan ng siya ang naging kauna-unahang babaeng editor-in-chief ng Philippine Collegian, ang student newspaper ng kolehiyo, matapos ang limamput limang (50) taong pamumuno ng mga kalalakihan. Siya rin ang unang babaeng nanalo ng parangal bilang Best Debater sa U.P. Bukod sa kanyang talino, si Miriam ay natatangi rin sa kanyang angking kagandahan. Siya ay hinirang na campus beauty ng dalawang beses, bilang U.P. ROTC corps sponsor. Bukod sa mga nabanngit na mga achievements, si Miriam ay dalawang beses ding naging recipient ng Vinzonz Achievement Award for excellence in leadership. Siya ay kinilala din ng Rotary bilang most outstanding graduate ng U.P.
Natapos ni Miriam ang kanyang Bachelor of Arts sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon (3 1/2 years), taliwas sa ordinaryong apat (4) na taon, sa gradong 1.1 bilang average, noong huling semestre. Siya ay nagtapos bilang magna cum laude noong 1965. Samantala, natapos niya ang kanyang Bachelor of Laws sa U.P bilang cum laude.
PULITIKA
Si Miriam ay naging kandidato ng pagka-pangulo sa Pilipinas noong taong 1992 laban kay Fidel V. Ramos. Natalo si Miriam sa eleksyon at si Ramos ang naging pangulo subalit hindi siya naniwala sa resulta nito. Ating magugunita na noong unang limang araw ng bilangan, nangunguna si Miriam, subalit makalipas ng ilang araw na blackout sa bansa, bumaliktad ang tema ng bilangan. Dahil dito, nagprotesta si Miriam sa electoral tribunal base sa maanomalyang resulta ng eleksyon.
Noong Enero, 1992, nagkaroon din siya ng kaso sa korupsyon at libelo na sinampa sa Sandiganbayan at sa Regional Trial Court ng Maynila, isang pagtatangka ng kanyang mga kalaban upang sirain ang kanyang mabuting pangalan. Ang reklamong ito ay napawalang bisa at maayos na nalinaw ni Miriam ang mga akusasyong ito laban sa kanya.
Tinuturing siya ng kanyang mga taga-suporta lalo na sa mga kabataan bilang ang nalalabing 'taga-paglaban sa korupsyon'. Bago siya naging kandidato sa pagka-pangulo, nagsilbi siya bilang immigration commissioner at doon siya nakilala bilang tagapagtanggol ng bayan laban sa korupsyon dahil sa kanyang mga ginawang paglilinis sa mga opisyal na corrupt sa ahensiya na iyon. Nagtamo siya parangal sa Magsaysay Award dahil sa kanyang mga nagawa sa Commission on Immigration and Deportation.
Taong 1994 ng tumakbo at nanalong senador si Miriam. Subalit sa di mabuting kalagayan, ang kanyang protestang inihain sa electoral tribunal noong 1992 ay napawalang bisa sa "teknikal" na kadahilanang siya ay nanalong senador. Nang mga panahong ito, ang Supreme Court Chief Justice ay appointed ni Ramos.
Bilang senador, naging popular siya sa maraming puna ng bumoto siya laban sa pagbubukas ng Jose Velarde account noong impeachment trial ng dating pangulong Joseph Estrada.