Paco Larrañaga
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Francisco Juan Larrañaga (ipinanganak 1977) ay isang Pilipinong convicted murderer o napatunayang mamamatay-tao na hinatulan ng parusang kamatayan noong Pebrero 3, 2004. Siya, kasama ng anim pang iba, ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection bilang parusa sa pagdakip at pagpatay nina Marijoy at Jacqueline Chiong noong Hulyo 16, 1997, sa Cebu.