Wikipedia:Paglilinaw
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang paglilinaw sa Wikipedia at Wikimedia ay isang proseso sa paglutas sa pagiging malabo ng titulo ng isang artikulo — nagaganap ang kalabuan kapag ang isang kataga ay malapit na inuugnay sa isa o mahigit pang mga iba't ibang paksa. Sa ibang mga kaso, nagiging "likas" na pamagat ng higit sa isang artikulo ang isang salita o pananalita. Sa madali't salita, isang daan ang mga palilinaw sa mga iba't ibang paksa na nakikibahagi sa isang kataga o isang katulad na kataga.