Paliparang Internasyonal John F. Kennedy
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Paliparang Internasyonal John F. Kennedy (IATA: JFK,ICAO: KJFK) ay isang paliparang pang-internasyonal na nasa Jamaica, Queens, sa katimugang-silangan bahagi ng Lungsod ng Bagong York.
Ang JFK ay isa sa pinakamalaking paliparan sa buong mundo at isa sa pinaka-importanteng lugar para sa trapikong pang-himpapawid. Ito rin ay ang pinaka-okupadong "international freight gateway" sa Estados Unidos sa mga halaga ng mga kargamentong nakukuha o nasasakop nito. Ang paliparan ay isang "hub" para sa Jet Blue Airways, American Airlines, at Delta Airlines.
Ang paliparan ay pinamumunuan ng Port Authority of New York and New Jersey, na humahawak din sa mga paliparan na nasa metro area ng Bagong York: Paliparang Internasyonal na Newark Liberty, Paliparan na LaGuardia, at Paliparan na Teterboro.