Shariff Kabunsuan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Sensus ng 2000—365,848 ()
Densidad— bawat km² ()
![Image:Ph_locator_map_maguindanao.png](../../../upload/shared/f/f9/Ph_locator_map_maguindanao.png)
Ang Shariff Kabunsuan ay isang lalawigan ng Pilipinas na nabuo mula sa sampung bayan na dating bumubuo sa unang distrito ng lalawigan ng Maguindanao. Ito ang ika-80 lalawigan ng bansa at ikaanim sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ito ang unang lalawigan na hindi binuo ng Kongreso dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kapangyarian ng Republic Act No. 9054 o ang Expanded ARMM Law.
Inaprubahan ng mga botante ng 29 na munisipalidad ng Maguindano ang pagkabuo ng lalawigan. Sa mahigit na 500,000 rehistradong botante ng Maguindanao, 285,372 dito ang pumabor sa pagkabuo ng Shariff Kabunsuan. 8,802 lamang ang bumoto laban dito.