Tiberias
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Tiberias (Ebreo: טבריה, Tverya; Arabo: طبرية, Ṭabariyyah) ay isang lungsod sa kanlurang pampang ng Lawa ng Galilea sa Israel. Ipinangalan ito kay Emperador Tiberius ng Imperyong Romano.
Itinayo ang Tiberias noong mga 20 AD ni Herodes Antipas, ang anak ni Dakilang Herodes, at ito ang naging kapital ng kanyang kasakupan sa Galilee.