Unyong Aprikano
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Unyong Aprikano o African Union (dinadaglat AU) ay isang internasyunal na organisasyon ng binubuo ng mga 53 kasaping estado sa Aprika. Itinatatag ito noong Hulyo 2002, nabuo ang unyon bilang kasunod ng pinagsamang African Economic Community (AEC) at ang Organisation of African Unity (OAU). Sa kalaunan, naglalayon ang AU na magkaroon ng iisang pananalapi at iisang pinagsamang lakas sa depensa, gayon din ang pagkakaroon ng ibang institusyon ng estado, kabilang ang isang gabinete para sa Pinuno ng Estado ng unyon. Ang layunin ng organisasyon ay tulungan panatagin ang demokrasya, karapatang-tao at matatag na ekonomiya sa Aprika, lalo na ang pagwawakas sa mga gulo sa loob ng Aprika at paglikha ng isang epektibong karaniwang kalakalan.