Windows Vista
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Windows Vista | |
(Part of the Microsoft Windows family) | |
Screenshot | |
Larawan ng Windows Vista |
|
Developer | |
Microsoft | |
Web site: www.microsoft.com/windowsvista/ | |
Release information | |
Release date: | Nobyembre 8 2006 info |
Current version: | 6.0 (Build 6000) (Enero 30 2007) info |
Source model: | Pinaghahating source |
License: | MS-EULA |
Kernel type: | Hybrid kernel |
Support status | |
Kasalukuyan |
Ang Windows Vista ay ang pinakabagong bersyon ng Microsoft Windows, isang pamilya ng mga operating systems na ginagamit sa mga kompyuter na personal, pambahay man o pantrabaho. Bago ang anunsyo noong Hulyo 22, 2005, ang Vista ay kilala sa codename nitong Longhorn. Noong Nobyembre 8, 2006, natapos ang paggawa ng Windows Vista at ito ay ni-release to manufacturing. Sa mga sumunod na buwan, ito ay ipinamahagi sa mga MSDN, TechNet Plus at TechNet Direct subscribers, mga manggagawa ng hardware at software ng mga kompyuter. Ito ay ipinamahagi sa mga publiko noong Enero 30, 2007.[1] at makukuha sa pagbili at pag-download mula sa websayt ng Microsoft.[2] Ito ay ipinamahagi mahigit limang taon ng pamamahagi ng Windows XP, na nagpatunay na ito ang pinakamahabang panahon sa gitna ng dalawang bersyon ng Windows.
Maraming mga bagong feature ang makikita sa Windows Vista, ang mga pinakamahalaga ay ang binagong graphical user interface at visual style na tinatawag na Windows Aero, pinaunlad na feature sa paghahanap, bagong mga programa sa paggawa ng multimedia tulad ng Windows DVD Maker, at binagong mga sub-system ng pagkokonekta sa network, pakikinig, pag-iimprenta at pagpapakita. Pinaunlad din ng Vista ang lebel ng komunikasyon sa pagitan ng mga makinerya sa isang home network sa pamamagitan ng teknolohiyang peer-to-peer, na nagpadali sa paghahati-hati ng mga file at digital media sa pagitan ng mga kompyuter at mga device. Para sa mga developer, isinama sa Vista ang .NET Framework 3.0. Mas madaling gamitin ng mga developer ang .NET Framework sa paggawa ng mataas na dekalidad ng mga applikasyon kaysa sa tradisyonal ng API ng Windows.
Ngunit, ang pangunahing layunin ng Microsoft para sa Vista, ay ang paunlarin ang estado ng seguridad sa operating system na Windows.[3] Isang pangkaraniwang puna sa Windows XP at sa mga sinundan nito ay ang maluwag na seguridad ng operating system, na nagpadali sa pagpasok ng mga virus at trojan. Dahil dito, idineklara ni Bill Gates, pangulo ng Microsoft noong 2002 ang kampanyang Trustworthy Computing na naglalayon na mapahigpit ang seguridad sa bawat aspekto ng paggawa ng software sa kompanya. Sinabi ng Microsoft na mas binigyang-pansin nila ang pagpapaunlad ng seguridad ng Windows XP at Windows Server 2003 bago ang pagtatapos sa Windows Vista, na naging dahilan sa pagtagal ng produksyon.[4]
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga references
- ↑ Microsoft Launches Windows Vista and the 2007 Office System to Consumers. PressCentre. Microsoft New Zealand: (2007-01-30). Nakuha noong 2007-01-30.
- ↑ Windows Marketplace: Windows Vista Upgrade Editions: Get Started. Windows Marketplace. Microsoft: (January 30 2007). Nakuha noong 2007-01-30.
- ↑ Aaron Ricadela (February 14 2006). Gates Says Security Is Job One For Vista. InformationWeek News. Nakuha noong 2006-08-13.
- ↑ Mike Ricciuti (June 1 2004). Microsoft: Longhorn beta unlikely this year. CNet News. Nakuha noong 2006-08-12.
[baguhin] Panlabas na mga kawing
[baguhin] Microsoft
- Microsoft Windows Vista — Microsoft Windows Vista homepage
- Microsoft Windows Vista Upgrade Info — Windows Vista Upgrade planning
- Microsoft Windows Vista Product Guide — Contains complete, feature-by-feature comparisons of the various Windows Vista editions (current through the Beta 2 release)
- Microsoft Windows Vista Hardware Design — Hardware Design for Windows Vista — News for Driver Developers and Hardware Engineers
- Microsoft Technet — Windows Vista: Resources for IT Professionals
- MSDN — Windows Vista Developer Center on MSDN
- The Windows Vista Blog — Official blog of the Windows Vista Team
[baguhin] Mga rebyu at mga larawan
- Paul Thurrott's SuperSite for Windows — 'Windows Vista Activity Center'
- WinVista Beta — 'Windows Vista Screenshot Gallery'
- How secure is Window's new Vista?
- Features of Windows Vista
- Windows Vista 32-bit and 64-bit Performance Compared
- Yahoo News — 'Ten Reasons to Buy Windows Vista (and "five things that will give you pause")'
- CNET