Bill Gates
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tignan ang Bill Gates (paglilinaw).
Si William Henry Gates III (ipinanganak October 28, 1955), mas kilala bilang Bill Gates, ay isang Amerikanong negosyante at payunir ng microcomputer. Kasama ang iba, sinulat niya ang orihinal na Altair BASIC interpreter para sa Altair 8800 (isang sinaunang microcomputer). Kasama si Paul Allen, tinatag nila ang Microsoft Corporation, at siya ang kasalukuyang puno at "Chief Software Architect" nito. Sangayon sa magasin na Forbes, si Gates ang pinakamayamang tao sa buong mundo.