1898
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pangyayari
[baguhin] Enero - Marso
Pebrero 15 - Digmaang Espanyol-Amerikano: Pinasabog at lumubog sa daungan ng Havana sa Cuba ang USS Maine ng Estados Unidos, na ikinamatay ng 266 na katao. Idinulot ng pangyayaring ito ang pagdedeklara ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya.
[baguhin] Abril - Hunyo
Hunyo 12 - Idineklara ni Hen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
[baguhin] Hulyo - Setyembre
Agosto 12 - Digmaang Espanyol-Amerikano: Nagwakas ang tensyon sa pagitan ng mga Amerikano at mga Espanyol na sundalo sa Cuba.
[baguhin] Oktubre - Disyembre
Disyembre 10 - Nilagdaan ng Espanya at Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris, na tuluyang nagwakas sa Digmaang Espanyol-Amerikano