Antropolohiya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang antropolohiya (anthropology) (o aghamtao sa wikang Tagalog) (mula sa salitang Griyego na anthrop o anthropo "pagiging tao" + logia "salita" ) ay ang pag-aaral sa lahi ng tao (tingnan ang genus Homo). Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon, at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri (species) sa isang unibersal na kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo (at ating sarili) na nakabatay sa gayong simbolo.