Basilika ni San Juan sa Laterano
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Basilika ni San Juan sa Laterano, na mas kilala sa wikang Italyano na Basilica di San Giovanni in Laterano ay ang katolikong katedral ng Roma at ang katedral ng papa bilang obispo ng Roma. Ang opisyal nitong pangalan ay Archibasilica Sanctissimi Salvatoris (Sa wikang Inggles: Archbasilica of the Most Holy Savior) at ito ang pinakamatanda at nangunguna (bilang nag-iisang katedral sa Roma) sa apat na pinakamataas na basilika sa Roma. Ito ay pinamumunuhan ni Camillo Ruini, kardinal at vicar general ng diocese ng Roma. Narito rin ang trono ng papa (Cathedra Romana) at ito ang nangingibabaw sa lahat ng simbahan sa buong simbahang katolika, kahit na sa Basilika ni San Pedro sa Batikano.
[baguhin] Palasyo ng Laterano
Noong panahon ng imperyo ng Roma, ang lupa na kinatatayuan ng naturang simbahan ay kinakatayuan ng palasyo ng pamilyang Laterani, isang maykayang pamilya sa Roma. Ang palasyo ng Laterano ay napunta sa emperador Konstantino I nang pinakasalan niya ang kanyang pangalawang asawa, si Fausta, na noo'y nagmamay-ari ng palasyo. Ng malaon ay ibinigay niya ito sa papa. Ang basilika ng palasyo ay ginawang simbahan at ito ay naging katedral ng Roma.
Ang opisyal na pagngangalan ng simbahan ay ginananap noong taong 324 at pinangunahan ng papa Sto. Silbestro I at pinangalanan niya ang palasyo at simbahan bilang "Tirahan ng Panginoon" (Dominus Deus) at inilagay ang trono ng papa sa altar nito, bagkus pinangalanan ito bilang katedral ng Roma. Nasa ibabaw ng pintuan nito ang mga salitang Sacrosancta Lateranensis ecclesia omnium urbis et orbis eclesiarum mater et caput ( Ang Kabanalbanalang Simbahan ng Laterano, sa lahat ng simbahan sa lungsod at ng buong daigdig, ang ina at ang pinakamataas).