Basketbol
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa ibang gamit, tingnan Basketbol (paglilinaw).
Ang basketbol ay isang palakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa na sinusubukan makapuntos sa pamamagitan ng paghagis ng isang bola sa isang net (ang basket) sa ilalim ng mga organisang mga patakaran.
Simula naimbento ang laro sa Springfield, Massachusetts noong 1891, sumulong ito bilang isang tunay na internasyunal na palakasan. Nagsimula ang mga organisadong paliga sa YMCA; nabuo ang mga naunang liga sa mga kolehiyo. Sa kalunan, naging palakasang propesyunal ang basketbol. Kahit na isang pampalakasang Amerikano sa una, mabilis na kumalat sa mundo at makikita ang mga kilalang manlalaro at koponan sa ngayon sa buong mundo.