Carmona, Kabite
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Carmona. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | CALABARZON (Region IV-A) |
Lalawigan | Cavite |
Distrito | Ikalawang Distrito ng Cavite |
Mga barangay | 14 |
Kaurian ng kita: | Primera Klase; urban |
Alkalde | Dahlia A. Loyola (2001-Kasalukuyan, Lakas-CMD) |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 30.90 km² |
Populasyon | 47,856 1,549/km² |
Ang Bayan ng Carmona ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Cavite, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2000, ito ay may kabuuang populasyon na 47,856. Mayroon itong kabuuang lawak na 30.9 km2.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kasaysayan
Dating tinatawag na Latag ang bayan ng Carmona. (Salitang Tagalog na ang ibig ay patag), dati rin bahagi ng malaking bayan ng Silang. Dahil sa layo ng sentro ng bayan, ang mga principales at ang nakaupong Cabeza de barangay ay nagpetisyon na ang Latag ay maging hiwalay na bayan noong Pebrero 20, 1857. Ang bagong bayan ay tinawag na Carmona, na isinunod sa bayan ng Carmona sa lalawigan ng Siville, Espanya. [1]
[baguhin] Barangay
Ang bayan ng Carmona ay nahahati sa 14 na barangays.
- Bancal
- Cabilang Baybay
- Lantic
- Mabuhay
- Maduya
- Milagrosa
- Barangay 1 (Pob.)
- Barangay 2 (Pob.)
- Barangay 3 (Pob.)
- Barangay 4 (Pob.)
- Barangay 5 (Pob.)
- Barangay 6 (Pob.)
- Barangay 7 (Pob.)
- Barangay 8 (Pob.)
[baguhin] Pagdiriwang
Bawat apat na taon, ang buong bayang ng Carmona ay naghahanda sa pagdiriwang ng pinakamalaking pista ng bayan ang "Sorteo Festival". Ang pista ay nagsimula pa noong panahon ng mga Kastila. Ang pistang bayang ito ay kinapalolooban ng pag-bunot ng pangalan ng mga naninirahan sa bayan sa isang malaking tambiyolo at gagantimpalaan ng lupang maaaring sakahin. Kung ang nabunot naman ay hindi nais na sakahin ang lupa, maaari naman niyang ipagbili ang lupa upang ang mga nais magsaka dito ay magamit ang lupa.
Kasabay ng pagdiriwang ay ang pagpaparada ng mga kabataan na nagsusuot ng iba't ibang mga kasuotan, karakol, patimpalak sa pagandahan at pag-awit at pagandahan ng gayak ng mga bahay dito.
[baguhin] Kawing Panlabas
Mga lungsod at bayan ng Cavite | |
Lungsod: | Lungsod ng Cavite | Lungsod ng Tagaytay | Lungsod ng Trece Martires |
Bayan: | Alfonso | Amadeo | Bacoor | Carmona | Dasmariñas | Gen. Mariano Alvarez | Gen. Emilio Aguinaldo | Gen. Trias | Imus | Indang | Kawit | Magallanes | Maragondon | Mendez | Naic | Noveleta | Rosario | Silang | Tanza | Ternate |