2000
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang 2000 ay isang taong bisyesto na nagsisimula sa Sabado sa Kalendaryong Gregorian. Tinuturing ng popular na kultura ang taong ito bilang unang taon ng ika-21 siglo ng ika-3 milenyo. Bagaman sa pamamagitan ng mahigpit na interpretasyon ng Kalendaryong Gregorian, pumapatak ang unang taon sa 2001.
Minarka din ang taong 2000 bilang:
- Ang Internasyunal na Taon para sa Kultura ng Kapayapaan.
- Ang Pandaigdigang Taon ng Matematika.