Dagat Bohol
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Dagat Bohol, na kilala rin bilang Dagat Mindanao, ay matatagpuan sa pagitan ng Bisayas at ng Mindanao sa Pilipinas. Nasa timog ito ng Bohol at Leyte at hilaga ng Mindanao. Dalawa sa mga pangunahing pulong matatagpuan dito ay ang Siquijor at Camiguin.
Ilan sa mga pangunahing lungsod na matatagpuan sa baybayin ng dagat ay ang Cagayan de Oro, Iligan, Butuan, Dumaguete, Ozamis, at Tagbilaran.
Dumudugtong ang Dagat Bohol sa Dagat Pilipinas sa Surigao Strait at sa Dagat Sulu sa strait sa pagitan ng Negros at ng Tangway ng Zamboanga.