Dasmariñas, Kabite
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Dasmariñas. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | CALABARZON (Region IV-A) |
Lalawigan | Cavite |
Distrito | Ikalawang Distrito ng Cavite |
Mga barangay | 73 |
Kaurian ng kita: | Primera Klaseng bayan |
Alkalde | Elpidio Barzaga |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 90.1 km² |
Populasyon | 379,520 4,212/km² |
Ang Dasmariñas (Kadalasang pinaiikling Dasma) ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Kabite. Ito ay matatagpuan sa layong 30 kilometro timog ng Maynila. Ayon sa sensus noong 2000, mayroong 379,520 katao ang naninirahan dito, kaya naging pinakamaraming tao na bayan ito sa Cavite. Ito ay sukat na 90.1 kilometro parisukat.
May mga taong nais gawing lungsod ang Dasmariñas ngunit marami ang tumututol dito noon, ngunit ngayon nakikitaan na ng interes ang tao na gawing lungsod ang Dasma.
[baguhin] Kasaysayan
Ang pinagmulang ng pangalan "Dasmariñas ay "Gómez Pérez das Mariñas", isang Kastilang Gubernador sa Pilipinas noong 1590 hanggang 1593. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang anak na si Luis Pérez das Mariñas ay naging gubernador mula 1593 hanggang 1596. Si Pérez das Mariñas ay nanggaling sa San Miguel das Negradas, Galicia (Espanya).
[baguhin] Mga Barangay
Ang Dasmariñas ay nahahati sa 74 na barangay.
|
|
|
|