Epifanio de los Santos Avenue
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) ay ang pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. May kahabaan ng 54 kilometro sa kanyang orihinal na haba, isang mahalagang daluyang pangtransportasyon ang EDSA sa pagitan ng hilaga at timog na bahagi ng kalungsuran. Malaki ang papel ng EDSA sa huling kasaysayan ng Pilipinas bilang pinangyarihan ng dalawang mapayapang demonstrasyon na nagpatalsik sa panunungkulan ng dalawang pangulo, sina Ferdinand Marcos at Joseph Estrada, pati na rin ng isang malaking kilos-protesta ng oposisyon na gumambala sa mga unang buwan ng termino ni Gloria Macapagal-Arroyo. Tingnan ang Rebolusyong EDSA, EDSA II, at EDSA III.
Ang EDSA ay nagsisimula sa Monumento ni Andres Bonifacio sa Caloocan City at nagtatapos malapit sa SM Mall of Asia sa Pasay. Ang MRT Line 3 ay tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, mula sa kanto ng Taft Avenue sa Pasay hanggang sa SM North EDSA sa kanto ng North Avenue sa Lungsod Quezon. Kinakabukasan tatakbo ito hanggang Monumento.