Glikolisis
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Glukolisis o Glikolisis (glycolysis) ay isang serye ng pagsasanib biyokimika kung saan ang isang molekula ng glukosa (Glc) ay inooksida upang makabuo ng dalawang molekula ng asido piruviko (Pyr)
Ang katagang glikolisis ay mula sa Griyego glyk (matamis) at lysis (natutunaw). Ito ang unang proseso sa maraming landasin ng katabolismo ng carbohydrate (hidratodecarbono), at gumaganap nang dalawang pangunahing tungkulin: makagawa ng mga molekulang may mataas na enerhiya (ATP at NADH), at sa paggawa ng iba’t-ibang intermedyong metabolites na may anim o tatlong carbon, na matatanggal sa ilang paraan sa proseso para sa ibang gamit sa loob ng selula (tulad ng biyosintesis ng nucleotide).
Ang glikolisis ay isa sa pinakakilalang prosesong metaboliko sa sanlibutan na nangyayari (ng may iba-iba) sa maraming uri ng selula sa halos lahat ng organismo. Kakaunting enerhiya bawat molekula ng glukosa kapag glikolisis lamang ang nangyayari kaysa lubos na aerobikong oksidasyon at ang bugso sa landas na ito ay higit sa anaerobikong kundisyones (i.e., salat sa oksiheno).
Ang landasing Embden-Meyerhof ang pinakaraniwan at pinakakilalang uri ng glikolisis na unang ipinakita ni Gustav Embden at Otto Meyerhof. Maisasama rin sa katagang ito ang alternatibong landasin tulad ng landasing Entner-Doudoroff. Alalaumbaga, ang glikolisis ay gagamitin dito bilang sinonimo sa landasing Embden-Meyerhof.