Hudaismo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Hudaismo ang kulturang pangrelihyon ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang natalang pananampalatayang monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pangrelihyong sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga relihyong Avrahamiko, kasama na ang Kristyanismo at Islam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng mundo.
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga denominasyong Hudyo
Sa mga nakaraang dalawang dantaon nahati ang komunidad Hudyo sa ilang mga denominasyong Hudyo. May iba’t ibang pagkaunawa ang bawat isa sa kung anong mga prinsipyo ng paniniwala ang dapat angkinin ng isang Hudyo, at kung paano dapat mamuhay ang isang Hudyo. Hindi tulad sa mga denominasyong Kristyano, hindi fundamental na napapaghati ng mga pagkakaibang pandoktrinang ito ang mga denominasyong Hudyo, na tuluyan pa ring nagsasanib sa ilang mga isyu. Hindi pambihira, halimbawa, ang pagsimba ng isang Hudyong Masorti sa isang sinagogang Ortodoks o Repormista.
[baguhin] Hudaismong Ortodoks
Ang Hudaismong Ortodoks ang pinakatradisyonal na denominasyong Hudyo.
[baguhin] Hudaismong Repormista
Ang Hudaismong Repormista ang kauna-unang modernong sangay ng Hudaismo. Nagmula at nagdevelop denominasyong ito sa Alemanya at ngayon ito ang pinakamalaki sa Hilagang Amerika. Maaari itong tukuyin bilang Hudaismong Progresista, habang sa UK binubuo ng Hudaismong Repormista at Hudaismong Liberal ang Hudaismong Progresista.