Kapulungang Panseguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang United Nations Security Council o Kapulungang Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa ay ang pinakamakapangyarihang bahagi ng Mga Nagkakaisang Bansa. Namamahala ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa pagitan ng mga bansa. Habang nagbibigay lamang ng mga rekomendasyon ang ibang bahagi ng Mga Nagkakaisang Bansa sa mga kasabi nitong pamahalaan, may kapangyarihan ang Security Council na gumawa ng desisyon na dapat tuparin ng mga kasaping pamahalaan sa ilalim ng United Nations Charter. Kilala bilang UN Security Council Resolutions ang mga desisyon ng Kapulungan.