Karapatang-Ari
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang karapatang-ari o copyright ay ang legal na karapatan ng mga may akda, manunulat, pintor, mang-aawit at ibat ibang talento na nagbibigay sa kanila ng natatanging karapatang makapaggawa ng panibagong sipi ng isahan o maramihan, makapagpamahagi ng sipi maging ito man ay komersyal o hindi, sa iba't-ibang kaparaan.
Sa iba't-ibang pagkakataon ang paggamit ng thumbnail ay itinuturing na Fair-Use, gayumpaman iminumungkahing manghinggi ng permiso bago gamitin ang mga bagay na hindi pagaari.
May mga bagay na hindi nabibigyan ng karapatang-ari o uncopyrightable. Ito ay tumutukoy sa ibat ibang bagay na nakalaan sa pampublikong gamit o dominyo. Mas lalong kilala ito bilang "Public Domain".
Ilan sa mga bagay na karapatang-aring di maari ay mga bagay na likha ng estado, o bagay na binayaran ang pagkakalikha gamit ang kaban ng bayan.
Ang transliterasyon ng Karapatang-Ari mula sa wikang Ingles na "copyright" ay KopyaKanan. May grupo ng netizen na naniniwala naman sa KopyaKaliwa o tinatawag na "copyleft".