Karl Benz
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Karl Friedrich Benz (Nobyembre 25 1844 – Abril 4 1929) ay isang inhinyerong Aleman ng mga awto, pangkalahatang tinuturing bilang ang imbentor ng awto na tumatakbo sa petrol. Isa pang katulad na Aleman, si Gottlieb Daimler, ang gumawa din ng katulad na uri ng imbensyon na hiwalay sa ginawa ni Benz, ngunit unang ipina-patent ni Benz ang kanyang gawa at, pagkatapos noon, ipina-patent ang lahat ng kanyang pangunahing mga imbento na ginawang posible ang panloob na makinang kombustyon para sa mga awto.