Lungsod ng Dunkerque
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Dunkerque (Olandes: Duinkerke; Inggles: Dunkirk) ay isang silungang lungsod sa pinakahilagang bahagi ng France, sa département ng Nord, 10 km ang layo mula sa hangganang Belgian.
Nagmula ang pangalan ng lungsod mula sa Olandes na duin (dune) at kerke (simbahan). Hanggang sa gitnang bahagi ng ika-20 dantaon ay Olandes ang sinasalita dito; sinasalita pa rin hanggang ngayon ang Olandes bagaman napalitan na ito halos ng French.
Makasaysayan ang lungsod dahil sa mahalagang papel na ginampanan nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.