Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Melilla ay isang Kastilang exclave na nasa Hilagang Aprika, matatagpuan sa pinakahilagang dulo ng Maghreb, sa baybayin ng Mediterranean. Sa tradisyon, tinuturing na kasama ito ng Andalusia sa kadahilanang kasaysayan, pinapangasiwaan ito bilang parte ng lalawigan ng Málaga bago pa noong March 14, 1995 Statute of Autonomy, at naging malayang daungan bago pa sumapi ang Espanya sa Kaisahang Yuropeo. Noong 1994, mayroon itong 63,670 populasyon. Binubuo ang populasyon ng mga Kristiyano, Muslim, Hudyo at isang maliit na minoryang Hindu. Sinasalita dito ang parehong Kastila at Tamazight.