Panatang Makabayan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon. Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat. |
![]() |
Ang Panatang Makabayan ay ang pambansang panunumpa ng mga Pilipino.Ito ay isa sa may dalawang pambansang panunumpa, ang isa pang panunumpa ay ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat, ang panunumpa sa watawat ng Pilipinas.
Sinasabi ang Panating Makabayan sa mga seremonyang pang-watawat sa mga paaralan, kung ito ay sinasabi pagkatapos ang pambansang awit, Lupang Hinirang, pero bago ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat.
Ang pagsasabi ng Panatang Makabayan ay kinakailangan ng batas sa lahat ng mga publikong paaralan at sa mga pribadong paaralan na ay para sa mga o kung ang mayoria ng mga estudyante ay Pilipino: sa itong kaso, Batas Republika Blg. 1265, isa ng mga maraming batas sa mga pambansang simbolo. Ito ay naging batas sa Hulyo 11, 1955. Inimplementa ang batas sa mga paaralan sa paggamit ng isang utos ng Kagawaran ng Edukasyon, Kautusang Tagakagawaran Blg. 8, na naaprubahan noong Hulyo 21, 1955.
Kahit kung sabi ng Kautusang Tagakagawaran Blg. 8 na ang Panatang Makabayan ay pwedeng sabihin sa Ingles o kahit anong wikang bernakular, palaging sinasabi ngayon ang Panatang Makabayan sa Wikang Filipino. Pero, mayrong dalawang bersyon ng Panatang Makabayan sa Filipino: ang kasalukuyang bersyon na isang salin na mas maiksi at matulain at ang dating bersyon na ang direktong salin ng orihinal na Ingles.
Mga nilalaman |
[baguhin] Teksto ng Panunumpa
[baguhin] Sa Wikang Ingles
I love the Philippines.
It is the land of my birth;
It is the home of my people.
It protects me and helps me to be strong, happy and useful.
In return, I will heed the counsel of my parents;
I will obey the rules of my school;
I will perform the duties of a patriotic, law-abiding citizen;
I will serve my country unselfishly and faithfully
I will be a true Filipino in thought, in word, and in deed.
[baguhin] Sa Wikang Filipino
[baguhin] Kasalukuyang bersyon
Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.
[baguhin] Dating bersyon
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako’y kaniyang kinukupkop at tinutulungan, upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa.