Lupang Hinirang
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Nagsimula ito bilang isang instrumental na martsa na pinagawa ni Emilio Aguinaldo, ang pangulo ng Pilipinas noon, kay Julian Felipe para sa proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ipinangalan ang martsang ito na Marcha Filipina Magdalo. Nang maging pambansang martsa ang musika, naging Marcha Nacional Filipina ang pangalan nito. Tapos, noong 1899, isang batang manunula't sundalong si Jose Palma ay sumulat ng tulang Filipinas sa Kastila. Itong tula ang naging liriko ng pambansang awit.
Noong dekada 1920, naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos na isalin ang pambansang awit sa Ingles. Ito ay ginawa ni Senador Camilo Osias at isang Amerikano, si Mary A. Lane, at ito ay naging opisyal noong 1938.
Ang mga salin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940. Ang pinakapopular sa mga salin na ito ay ang O Sintang Lupa, na sinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ang O Sintang Lupa ay naging opisyal noong 1948.
Sa kahulihan, noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay, isinalin muli ang awit sa katutubong wika na Tagalog. Sa Mayo 26, 1956, unang inawit ang pambansang awit, ang Lupang Hinirang. May mga kaunti pang pagbabago sa liriko na ginawa noong 1962 at ito ay ang bersyong ginagamit sa kasalukuyan.
[baguhin] Liriko
Ang mga sumusunod ay mga bersyon ng pambansang awit sa Kastila, Tagalog, Cebuano, Bikolano at Ingles.
[baguhin] Espanyol: Filipinas
ni José Palma
Tierra adorada
Hija del sol de Oriente,
Su fuego ardiente
En ti latiendo está.
¡Patria de amores!
Del heroismo cuna,
Los invasores
No te hollarán jamás.
En tu azul cielo, en tus auras,
En tus montes y en tu mar
Esplende y late el poema
De tu amada libertad.
Tu pabellón, que en las lides
La victoria iluminó,
No verá nunca apagados
Sus estrellas y su sol.
Tierra de dichas, del sol y de amores,
En tu regazo dulce es vivir.
Es una gloria para tus hijos,
Cuando te ofenden, por ti morir.
[baguhin] Tagalog: Lupang Hinirang
ni Kyla Tenido, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo; ang pinakahuli na translasyon ng 1962
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.
[baguhin] Cebuano: Nasudnong Awit
ni Jess Vestil
Yutang tabunon
Mutya nga masilakon
Putling bahandi
Amo kang gimahal
Mithing gisimba
Yuta s'mga bayani
Sa manglulupig
Among panalipdan
Ang mga bungtod mo ug lapyahan
Ang langit mong bughaw
Nagahulad sa awit, lamdag sa
Kaliwat tang gawas
Silaw sa adlaw ug bitoon
Sa nasudnong bandila
Nagatimaan nga buhion ta
Hugpong nga di maluba
Yutang maanyag, duyan ka sa pagmahal
Landong sa langit ang dughaan mo;
Pakatam-isom sa anak mong nagtukaw
Kon mamatay man sa ngalan mo.
[baguhin] Bikolano: Rona Kang Mawili
Dagang namo-motan
Aki ka nin sirangan
Tingraw niyang malaad
Nasa si-mong daghan.
Rona kang mawili
Nagimatan bayani
An mansalakay
Dai ka babatayan.
Sa si-mong langit, bukid
Hayop kadagatan siring man
Nagkukutab nagbabanaag
An si-mong katalingkasan.
Simong bandera na nagkikintab
Sa hokbo naglayaw
Dai nanggad mapapara
An simong bitoon Aldaw.
Dagang nawilihan, maogma, maliwanag,
Sa limpoy mo hamis mabuhay
Minamarhay mi kun ika pagbasangan
An buhay mi si-mo idusay.
[baguhin] Ingles: Philippine Hymn
ni Senador Camilo Osias at Mary A. Lane
Land of the morning child of the sun returning,
With fervor burning, thee do our souls adore.
Land dear and holy, cradle of noble heroes,
Ne'er shall invaders, trample thy sacred shores.
Even within thy skies and through thy clouds,
And o'er thy hills and seas.
Do we behold the radiance,
Feel the throb of glorious liberty.
Thy banner, dear to all our hearts,
Its sun and stars alight.
O - never shall its shining field,
Be dimmed by tyrant's might!
Beautiful land of love, O land of light,
In thine embrace 'tis rapture to lie.
But it is glory ever, when thou art wronged,
For us, thy sons, to suffer and die.
[baguhin] Ingles: Chosen Land
Beloved country,
Pearl of the Orient,
The heart's fervor,
In your bosom is ever alive.
Chosen Land,
You are the cradle of the brave,
To the conquerors,
You shall never surrender.
Through the seas and mountains,
Through the air and your azure skies,
There is splendor in the poem
And songs of beloved freedom.
The sparkle of your flag
Is shining victory.
Its stars and sun
Forever will never dim.
Land of the morning, of glory, of our affection,
Life is heaven in your arms;
When someone oppresses you, it is our pleasure
To die for you.