Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan o World Youth Day (WYD) ay binuo ni Papa Juan Pablo II noong 1984 "upang pagsamahin ang mga karaniwang ministeryo ng kabataan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bagong sigla para sa pagsalig, mga layunin na kinakandili ang mas higit pa na pagsangkot at paglahok" (Sulat mula kay Papa Juan Pablo II - Seminar noong WYD 1996).
May tatlong layunin ang World Youth Day:
- Magkaroon ng tiwala sa kabataan
- Ang World Youth Day ay isang pagsasama ng mga kabataan mula sa buong mundo at isang malakas na paalala ng kalakasan at tiwala ng Simbahang Katoliko sa kabataan ngayon.
- Sama-samang pagtitipon
- Hindi lamang pagtitipon sa kabataan ang World Youth Day, kundi isang oras na magkaroon ng tiwala sa kabataan ng mundo. Isang pagtawag para sa kabataan ng mundo upang magtipon bilang isa.
- Pagpulong ng internasyunal na mundo sa antas ng tao
- Nakakamangha pa rin ngayong ika-21 siglo na nakapagpalitan sa iba at maging bahagi sa karanasang internasyunal. Nagkakaroon ng lubos na pag-asa ang mga ganitong pangyayaring internasyunal ngunit marami rin takot (pagtaas sa pundamentalismo, nasyonalismo at ibang bagong salungatan). May ginagampanan ang Simbahang Katoliko at mga Kristiyano mismo sa pagpigil ng pagusbong ng mga ganitong takot, at tinutulungan ang bawat tao na maghanap ng mga paraan upang matuklasan ang pag-asa.
Pandaigdigang Araw ng Kabataan |
Internasyunal na antas ng mga pagdidiwang |
1984 | 1985 | 1987 | 1989 | 1991 | 1993 | 1995 | 1997 | 2000 | 2002 | 2005 |
[baguhin] Mga pangyayari
Internasyunal na antas ng mga pagdidiwang
Taon |
Araw |
Lugar |
Mga dumalo1 |
Tema |
1984 |
Abril 15 |
Roma, Italya |
300,000 |
Banal na Taon ng Paglilitas |
1985 |
Marso 31 |
Roma, Italya |
300,000 |
Internasyunal na Taon ng Kabataan |
1987 |
Abril 11–12 |
Buenos Aires, Argentina |
900,000 |
Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin (1 Juan 4:16) |
1989 |
Agosto 15–20 |
Santiago de Compostela, Espanya |
400,000 |
Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay (Juan 14:6) |
1991 |
Agosto 10–15 |
Czestochowa, Poland |
1,600,000 |
Ang tinanggap ninyo ay espiritu ng pagiging anak (Roma 8:15) |
1993 |
Agosto 10–15 |
Denver, Estados Unidos |
500,000 |
Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay—isang buhay na ganap at kasiya-siya. (Juan 10:10) |
1995 |
Enero 10–15 |
Maynila, Pilipinas |
5,000,000 |
Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo (Juan 20:21) |
1997 |
Agosto 19–24 |
Paris, Pransya |
1,200,000 |
Teacher, where are you staying? Come and see (cf. Jn 1:38-39) |
2000 |
Agosto 15–20 |
Roma, Italya |
2,000,000 |
Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin (Juan 1:14) |
2002 |
Hulyo 23–28 |
Toronto, Canada |
800,000 |
Kayo’y asin sa sanlibutan...kayo’y ilaw sa sanlibutan (Mateo 5:13 - Mateo 5:14) |
2005 |
Agosto 16–21 |
Cologne, Germany |
Kasalukuyan |
Naparito kami upang sambahin siya (Mateo 2:2) |
1Sumasalamin ang bilang ng mga dumalo sa kabuuang mga tao noong pangwakas na Misa, na kabilang ang maraming mga nasa lokalidad na dumalo lamang noong pangyayaring iyon.
Mga pagdiriwang sa antas ng pang-diyakono
Araw |
Tema |
Marso 23, 1986 |
Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. (1 Pedro 3:15) |
Marso 27, 1988 |
Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo (Juan 2:5) |
Abril 8, 1990 |
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga (Juan 15:5) |
Abril 12, 1992 |
Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita (Marcos 16:15) |
Marso 27, 1994 |
Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo (Juan 20:21) |
Marso 31, 1996 |
Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan (Juan 6:68). |
Abril 5, 1998 |
Ang Espirtu Santo ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay (cf Juan 14:26) |
Marso 28, 1999 |
Iniibig kayo ng Ama (cf. Juan 16:27) |
Abril 8, 2001 |
Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin (Lukas 9:23) |
Abril 13, 2003 |
Narito ang iyong ina (Juan 19:27) |
Abril 4, 2004 |
Ibig po naming makita si Jesus (Juan 12:21) |
[baguhin] Tipikal na talatakdaan ng mga pangyayari
|
Martes |
Miyerkules |
Huwebes |
Biernes |
Sabado |
Linggo |
Umaga |
Araw ng Pagsalubong ng mga Dumating at Pagtanggap
Arrival and Welcome
|
Sesyong Katetikal kasama ang mga lumalahok na obispo |
Sesyong Katetikal kasama ang mga lumalahok na obispo |
Sesyong Katetikal kasama ang mga lumalahok na obispo |
Paglalakbay sa Lugar ng Pagtatanod |
Pangwakas na Liturhiya kasama ang Papa |
Afternoon |
Pangbukas na seremonya |
mga palabas sa hapon at gabi, musika, pagkakataon ng pagdarasal |
mga palabas sa hapon at gabi, musika, pagkakataon ng pagdarasal |
mga palabas sa hapon at gabi, musika, pagkakataon ng pagdarasal |
|
|
|
Gabi |
|
|
|
Mga Estasyon ng Krus |
Pagdidiwang na pagtatanod at buong gabing pagtulog |
|
[baguhin] Panlabas na mga link