Sining ng mga gawaing-kamay
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang sining ng mga gawaing-kamay (handicraft, craftwork o craft sa wikang Ingles) ay isang uri ng gawain na ginagamit ang mga mapapakinabangan at madekorasyon na kagamitan sa pamamagitan ng mga kamay o sa paggamit ng mga payak na kagamitan. Kadalasang ginagamit din ang katagang ito sa mga tradisyunal na paggawa ng mga produkto. May mga namamayaning pamantayan sa paggawa ng kanya-kanyang produkto, may relihiyoso o kultural na kabuluhan ang mga produktong ito. Hindi mga handicraft ang mga produktong ginawa ng maramihan o ng mga makina.